Maundy Thursday Reflection: Emptying and Relinquishment

John 13: 13-17

New Revised Standard Version (NRSV)

 

Jesus Washes the Disciples’ Feet

13 Now before the festival of the Passover, Jesus knew that his hour had come to depart from this world and go to the Father. Having loved his own who were in the world, he loved them to the end. 2 The devil had already put it into the heart of Judas son of Simon Iscariot to betray him. And during supper 3 Jesus, knowing that the Father had given all things into his hands, and that he had come from God and was going to God, 4 got up from the table,[a] took off his outer robe, and tied a towel around himself. 5 Then he poured water into a basin and began to wash the disciples’ feet and to wipe them with the towel that was tied around him. 6 He came to Simon Peter, who said to him, “Lord, are you going to wash my feet?” 7 Jesus answered, “You do not know now what I am doing, but later you will understand.” 8 Peter said to him, “You will never wash my feet.” Jesus answered, “Unless I wash you, you have no share with me.” 9 Simon Peter said to him, “Lord, not my feet only but also my hands and my head!” 10 Jesus said to him, “One who has bathed does not need to wash, except for the feet,[b] but is entirely clean. And you[c] are clean, though not all of you.” 11 For he knew who was to betray him; for this reason he said, “Not all of you are clean.”

12 After he had washed their feet, had put on his robe, and had returned to the table, he said to them, “Do you know what I have done to you? 13 You call me Teacher and Lord—and you are right, for that is what I am. 14 So if I, your Lord and Teacher, have washed your feet, you also ought to wash one another’s feet. 15 For I have set you an example, that you also should do as I have done to you. 16 Very truly, I tell you, servants[d] are not greater than their master, nor are messengers greater than the one who sent them. 17 If you know these things, you are blessed if you do them.

 

 

 

Today is Maundy Thursday.  Have you ever wondered where the term Maundy came from?  Most scholars agree that the English word Maundy was derived through Middle English and Old French mandé, from the Latin mandatum, the first word of the phrase “Mandatum novum do vobis ut diligatis invicem sicut dilexi vos”.  The very words of Jesus in the Gospel of John 13: 34, in which he said: “A new commandment I give unto you, That ye love one another; as I have loved you”, by which Jesus explained to the Apostles the significance of his action of washing their feet. 

 

There is indeed a strange mystery to the life of faith.  Lots of paradox.  This passage is a familiar one for it is always being read and revisited yearly as holy week comes.  What strikes me most about this passage is the willful act of relinquishment Jesus did.  Notice in verse 3, that, “Jesus, knowing that the Father had given all things into his hands, and that he had come from God and was going to God…”, the very first act he did was to “got up from the table, took off his outer robe, and tied a towel around himself. Then he poured water into a basin and began to wash the disciples’ feet and to wipe them with the towel that was tied around him”.   Wow!

 

If you were given power and tremendous amount of authority what would you do?

 

Jesus knowing that such absolute power was given him, the first act was one of subversion.  He took the form of the slave.  The narrative has resonance with an ancient hymnn quoted by the apostle Paul in Philippians 2: 6-7: “…who, though he was in the form of God, did not regard equality with God as something to be exploited, but emptied himself, taking the form of a slave…”   Jesus clearly demonstrated that power is to be used in the service of others and not something to be exploited for ones personal gain or advancement.

 

Someone once said that absolute power corrupts absolutely.  And history attests to this fact.  The Church was not immune to this seduction to power.  In fact history teaches us that the church is a poor handler of power.  Some church historians noted that when the church is at its weakest, then it is storngest, but when it is at its strongest, then it is weakest.  The Jesus we know in the gospels has repeatedly refused the way of power and often times put such power in check.  This is meekness personified.

 

The grace of relinquishment and emptying is a blessing most people don’t seek.  Jesus is clear in this narrative that true blessing is not the blessing of fullness, but is found in emptiness.  This idea runs counter to our dominant values where the idea of gain and plenty are celebrated.   Individuals in society has the idea of self-advancement, self-promotion, self-fulfillment and self-gratification.  Even in our churches, success is measured by the gains and plentiful things acquired.  Growth in numbers, big buildings, financial giving, the latest state of the art facilities and high-tech equipment.  The church also has actually become the biggest provider of spiritual goods and services catering to a widely “spiritual consumer” audience.  This could be one reason why the gospel of prosperity is largely patronized.  It’s all about personal gain and plenty.  The church has spawned a culture of “spiritual consumerism”.

 

Mother Teresa reminds us that emptiness is a great grace.  She said: “If your heart is full of other things you cannot hear the voice of God.”  Emptiness here is not about resignation or passivity.  It has nothing to do with trying to enter a void or nothingness.  It simply means learning the art of willful and active relinquishment of our power.  It is making room for the service of others.  It is about what the Apostle Paul says in Philippians 2:3-4, “Do nothing from selfish ambition or conceit, but in humility regard others as better than yourselves. Let each of you look not to your own interests, but to the interests of others.” 

 

Jesus gave us the example.  He came not to be served but to serve.  Humble service and giving away your life in the service to others is the greatest expression of love.  Maundy Thursday reminds us of that love. We are to give love to others the way we have recieved love from Jesus.  This is the Mandatum, the New Commandment.  This will find its embodiment as the church goes out to wash the feet of the world.  Not from the standpoint of power but from the posture of a lowly servant.

 

A meanigful Maunday Thursday to you all!

Posted in Uncategorized | Leave a comment

The Role of Paul as an Apostle

The Role of Paul as an Apostle
Text: Ephesians 3: 1-9

Introduction:
Ano ba ang role ng isang Apostle? Marami sa panahon natin ngayon ay nagsisipag-claim na sila ay “apostle.” Madami ngayon na ginagamit ang titulo na ito.  Sa liham na ito ni Pablo sa mga taga Efeso, binigyan tayo ni Pablo ng idea sa kung ano ang kanyang role sa katawan ni Kristo.

Ganito ang kanyang description ng kanyang ministeryo sa katawan ni Kristo bilang Apostol:

1.  Embracing the Call to Suffering
     – Kaakibat sa calling ng isang Apostol ay suffering.  Dahil sa nature ng kanyang ministry na mag-pioneer ng mga bagong gawain, hindi maiwasan na siya ay vulnerable sa persecution.  Kaya’t madalas, ang mga Apostoles sa early church ay namatay na martyr.  Ang liham na ito ni Apostol Pablo sa mga Efeso ay naisulat niya sa loob ng bilangguan (v. 1; 13).  At hindi niya itinago ang kanyang kalagayan na siya ay “suffering…” para sa ebanghelyo.  Ito ay sa kaluwalhatian ng Diyos at ng Ekklesia.  

     – Maganda bulayin at ikumpara ang buhay ni Apostol Pablo sa buhay ng mga nagsasabing sila ay Apostle sa ating panahon. Marami akong kilala na “Apostle” ngayon na ang mga buhay nila ay mararangya at maginhawa. Para silang mga hari kung ituring.  Malayo sa description ni Pablo.  Nasaan ang element of suffering kung ganito ang buhay nila.  Sila ay nasa protected at safe environment. Ang mga Apostol ay lumalabas sa kanilang safe zone, like sheep in the midst of wolves.

2.  Steward of God’s Mystery
     – (v. 2) “Surely you have heard of my administration/stewardship (oikonomos) of God’s grace that was given me for you…”  Ang salitang “oikonomos” ay galing pa rin sa salitang “oikonomia” kung saan galing ang salita nating “economy” na nagpapakita ng isang pagpaplano ng pag-aayos.  At ang oikonomos o steward ang siyang lingkod na magsasagawa ng pag-aayos o pag babahagi ng mga resources.  Siya lamang ay isang katiwala sa pag distribute nito (v. 7).

     – At ano naman ang kanyang ipapamahagi? (v. 3) “…that is, the mystery made known to me by revelation, as I have already written briefly.”. Si Pablo ay para lamang waiter o server sa isang buffet table na taga-lagay ng pagkain sa mga bisita (see also 1 Cor. 4: 1, 2).  Ang mysteryo na ito ay kanyang ipinamamahagi sa mga kapatiran.  Ang mysteryong ito ay nabanggit na niya sa unang bahagi ng kanyang liham (1: 7-10, specifically vv. 9-10; 22; 2: 19; 22).  Kaya naman sa kanyang panalangin para sa mga taga Efeso, hiniling niya sa Diyos na bigyan sila ng Spirit of wisdom and revelation at mabuksan ang mata ng kanilang mga puso, upang sagayon maunawaan nila ang mysteryo na kanyang nais ilahad (v. 4).

3.  An Expounder of Scripture Prophecy
     – (v. 5) “…which was not made known to people in other generations as it has now been revealed by the Spirit to God’s holy apostles and prophets.”

     – Nabangit ni Pablo sa 2: 20 na ang Ekklesia ay itinaguyod sa pundasyon ng mga “apostles” at “prophets” at si Kristo ang siyang “Chief Cornerstone”.  Ano ang ibig sabihin nito?  Isang simpleng pagkaunawa dito ay: ang mga propeta sa Old Testament ang siyang nag “prophesy” sa pagdating ng isang Mesiyas na siyang titipon sa mga tao ng Diyos sa ilalim ng kanyang kaharian.  Ang mga propesiyang ito ay nangyari sa katauhan ni Jesus.  Ito ngayon ang mismong pinapangaral ng mga Apostoles, na si Jesus ang katuparan ng propesiya. Tignan halimbawa ang pangangaral ni Pedro sa Acts 3: 17 – 4: 12, na kung saan ay directang nag quote si Pedro sa mga propesiya ni Propeta Joel.  At mismong dito sa pangangaral na ito, tinuligsa ni Pedro ang mga taga pakinig na ang mga nag-daang henerasyon ng kanilang mga ninuno at maging sa henerasyong kasalukuyan, ay hindi nila nakita ang pagsasakutaparan ng mga propesiya sa katauhan ni Jesus.  Sa Acts 4: 8-12 ay muling nag quote si Pedro sa Old Testament, at ngayon naman ay sa Psalms 118: 22, na sinasabing, “The stone you builders rejected, which has become the cornerstone.”. Ni reject ng mga Hudyo si Kristo, na siyang bato ng pundasyon ng mga tao ng Diyos, ay siya ngayong hinirang na Chief Cornerstone.  Ito ang pinakaimportanteng bahagi ng templo kung saan ang lahat ng mga pader at haligi ng templo ay nakaugnay.

     – Ang totoong mga Propeta at mga Apostol ay tunay na itinataas si Kristo. Ang kanilang tungkulin ay ipaliwanag sa atin sa ilaw ng Banal na kasulatan si Kristo.  Si Kristo lamang ang nais itanghal at itaas ng Banal na Kasulatan at hindi ang mga strategy, methodology, o maging doctrina.  Kadalasan kasi pag ang mga bagay na ito ang naitataas, ito ang nagiging sanhi ng pagkakahati-hati ng mga kristiyano.  Kaya’t ang totoong apostol ay taga-pagisa sa mga mananampalataya pag sila ay nangaral kay Kristo.

4.  A Testimony of God’s Power (v. 7-9)
     – Sa 1: 18-19, ipinanalangin ni Pablo na ang mga taga Efeso ay patuloy na makilala at maranasan ang dakila at walang katulad na kapangyarihan ng Diyos na kumikilos sa lahat ng sumasampalataya.  Kanyang binigyang halimbawa ang pagkilos ng kapangyarihang iyon sa kanila mismong karanasan.  Ngayon naman, nais ibahagi ni Pablo ang kanya mismong personal na karanasan at patotoo sa kapangyarihan ng Diyos sa kanyang buhay.

     – Ipinakita ni Pablo na siya ay hindi kaiba sa kanila. Lahat sila ay naranas ang biyaya ng Diyos. Nais ni Pablo na makita ng mga kapatiran na sila ay pareho at pantay lamang na tumanggap ng kabutihang loob ng Diyos.  Noong mga panahong iyon, uso sa mga tao ang ilagay sa pedestal ang mga lider, guro, at iba pang mga importanteng tao na kanilang hinahangaan o iniidolo.  Gustong iwasan ito ni Pablo.  Kaya’t agad niyang binaggit na siya ay “servant” at hindi “lord.”. At ang kanyang pagiging servant ay dahil lamang sa biyaya ng Diyos at pagkilos ng kanyang kapangyarihan sa buhay niya (v. 7).  At higit pa roon, sinabi niya na siya ang “least of all the Lord’s people (or Apostles)”.  Maliwanag, na nais ni Pablo na matanggal ng mga taga Efeso ang focus sa kanya, at mapunta ang kanilang focus sa Diyos, kay Kristo, at sa kapangyarihan ng Diyos na kumikilos sa kanila.

Conclusion:
Magandang bulayin natin ito mga kapatid.  Kung sa panahon natin ay may mga nag-keclaim na sila ay “Apostle”, magandang masuri ito sa batayan ng karanasan ng mga Apostol sa New Testament, at dito mismo sa karanasan ni Pablo bilang Apostol.  Marami ngayon na mga gumagamit ng titulo na ito ngunit napakalayo naman ng lifestyle nila sa mga karanasan ng mga sinaunang Apostol.  Madalas ang focus ng tao ay nasa kanila na.  Ang sarili na nila ang na popromote instead na si Jesus.  Sinasabi nila na sila ang hinirang ng Diyos, kaya’t sila lang ang may tamang mensahe na mula sa Diyos.  They justify and rationalize their position.  At maganda din imbestigahan ang kanilang lifestyle.  Marami sa kanila ay marangya ang buhay.  Sila ang pinagsisilbihan.  Sila ang “boss” sa church nila.  Mga kapatid, sabi ni Jesus na “by their fruits you will know them”.  Ang bunga ng kanilang mga buhay at gawa ang mag-eexpose sa kanilang pagiging bulaan.  Maging mapanuri katid!

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Peace in Christ:  Made Into a New Humanity in Christ as Members of God’s

Peace in Christ:  Made Into a New Humanity in Christ as Members of God’s Household
Text: Ephesians 2: 11-22

Introduction:
By this time, nakikita na natin ang progression na pinatutunguhan ng salaysay ni Pablo. Sa chapter 1 hinayag na niya sa atin ang mga spiritual blessings kay Kristo na kung saan ito ang mga pagpapalang itinilaga na ng Diyos noong una pa man bago pa likhain ang sanlibutan.  Tayo ay destined for such condition.  Sa chapter 2 hinayag naman sa atin ni Pablo ang pag-asa na ating natamo kay Kristo. Tinuon niya tayo sa katotohanan ng ating spiritual condition bago tayo naligtas at ang spiritual condition natin ng tayo ay magtamo ng kaligtasan. Ang focus dito ni Pablo ay yung ating personal na katayuan sa harap ng Diyos. Relasyon ng tao sa Diyos ang nabigyang lunas dito sa unang bahagi ng chapter 2.

Dito sa ikalawang bahagi ng chapter 2 tayo naman ay itinutuon ni Pablo sa ating katayuan at relasyon sa ating kapwa tao.  Patuloy na nagbabaliktanaw si Pablo sa kung papaano ang resurrection and ascension power ng Diyos ay lumikha ng impact sa karanasan ng mga taga Efeso.  Ang kapangyarihan ng Diyos na ito ay siya ring kapangyarihan na nagdulot ng kapayapaan sa mga tao, lalo na sa dalawang grupo na noon ay mortal na magkaaway.  Ang mga Hudyo at Hentil.

I. Separated from Christ (2: 11-12): Jew and Gentile Divide

          – Para sa mga Hudyo, sila ay nasa isang privileged position.  Dahil sila ang bayang pinili ng Diyos, feeling nila, sila ay superior sa lahat ng lahing tao.  Ang ibang lahi ay tinatawag nilang mga Hentil.  Bilang tatak ng mga mamamayan ng bayang pinili ang kanilang mga kalalakihan ay tinutuli.  Ito ang national pride nila. Kaya’t ang mga Hentil ay madalas nilang kutyain bilang mga “supot!”. Sila ay taas noo sa kanilang mga ninunong binigyang pabor ng Diyos – sina Abraham, Isaac, Jacob at Joseph.  Isa pang bagay na kanilang ipinagmamalaki ay ang kanilang pagiging recipient ng monarkiya, covenant, law, at temple worship.  Dahil dito masasabi nila na ang mga Hentil ay excluded/alienated sa commonwealth ng Israel. Isyu dito ay ang citizenship sa bayan ng Diyos.  Higit pa dito, ang mga Hentil ay dayuhan sa covenant of promise ni God na binigay sa kanilang mga ninuno (e.g. Abrahamic Covenant, Mosaic, Davidic Covenants). Ang mga covenant na ito ang gumagarantiya ng Pag-asa nila sa mga pangako ng Diyos.  At dahil ang mga Hentil ay dayuhan, labas sila sa pag-asang ito.

          – Ang mga Hentil ay hiwalay sa mga tao sa bayan ng Diyos.  Salvation is from the Jews sabi ni Jesus (tignan John 4: 22; Romans 9: 4-5).  Kung ikaw ay hindi kasama sa mga Hudyo walang kaligtasan para sa iyo.  Kaya dinescribe ni Pablo na sila bilang Gentiles in the flesh ay: without Christ; without hope; withou God; and that they are in the world.

Ngunit ang mabuting balita dito ay yung “But” sa verse 13.  Sa kabila ng katayuan ng mga Hentil na walang pag-asa ng kaligtasan at labas at dayuhan sa mga pangako ng Diyos, sila ngayon na malayo ay inilapit ng Diyos sa pamamagitan ng dugo ni Kristo.  Si Kristo ang naging kapayapaan.

II. Peace in Christ: Divisions Broken Down
         – The Peace of Christ brought forth:

A. A New Humanity (v. 14; 15)
         – This means:
        1. God made both groups (Jews and Gentiles) into one (v. 14); reconciled both into one body to God (v. 16).  May iisang katawan na lamang.  Ito ang katawan ni Kristo. At sa katawang iyan, ay magkasalo ang Hudyo at Hentil.

        2. God destroyed everything that divides them (v. 14). Lahat ng damdamin na pinag-uugatan ng poot laban sa isa’t-isa ay nilunasan na ni Kristo.  Lahat ng mga bagay na naghihiwalay sa mga tao ay sinira na ni Kristo sa kanyang kamatayan  (v. 13; 15; 16) at inilibing niya ang lahat ng sanhi ng pag-aaway (v. 16). Ang mga utos, ordinansa, mga pamantayan ng pagsamba, templo, mga panuntunan sa pagkain, mga pista, etc., lahat ng ito na naghihiwalay sa mga Hentil sa Hudyo ay isinantabi ng Diyos at tinibag ito upang sila ay mapag-isa (v.15).

        3. God fulfilled the covenant of promise that gives hope.  Ang pag-asang ito ay matagal ng minimithi ng mga propeta.  At nakita ng mga propeta ang katuparan nito sa Mesiyas na darating (tignan ang Isaias 57: 19 at kumpara sa v. 17).  Ang mga Hentil na malayo at ang mga Hudyo na malapit ay ipinaglapit at nakatamo ng kapayapaan.

B. A New Household (oikos)
         – Ang Diyos ay nagtatag ng isang bagong tahanan.  Ito ang salitang oikos sa wikang griego. At bilang kabilang sa tahanan ng Diyos:

         1. We all have equal access to God (v. 18)
         – Ang access sa Diyos ay hindi na monopoliya ng mga Hudyo.  Hindi na rin ito monopoliya ng mga pari, o mga taong na ordinahan na tumatayong tagapamagitan ng Diyos at tao.  Ngayon ang lahat ay may pantay-pantay na access sa Diyos.  Tayo ay kinasihan ng iisang Espiritu na siyang nagbibigay sa atin ng access sa Diyos.

         2. We now become fellow citizens in the Kingdom of God (v. 19).  Tayo ngayon ay miyembro na ng Bayan ng Diyos. Tayo ay kababayan ng Diyos.  At bilang miyembro ng Sambayanan ng Diyos, lahat ng karapatan, pangako, benepisyo at pribilehiyo ng isang mamamayan ay mapapasa-atin.  Hindi na tayo mga dayuhan at estranghero.  Tayo ngayon ay matatawag na ding True Israelites of God.

        3. We become God’s House.  Hindi lamang tayo mga “housemates” ng Diyos, kundi tayo daw mismo ang kanyang magiging tahahan.  We become God’s dwelling place.  Tayo mismo ang magiging bagong templo ng Diyos.  Hindi na mananahan ang Diyos sa mga templo na gawa ng tao, o mga gusaling itinatalaga na sanctuaryo ng Diyos, kundi ang kanyang pananahanan ngayon ay kanyang mga tao.  At ito ay tinatag ng Diyos sa pundasyon ng mga Apostoles at mga Propeta na si Kristo mismo ang Haligi na naguugnay sa buong gusali (v.20), na siyang lumalago upang maging banal na templo ng Diyos (v. 21).  Ito na ang bagong Templo ng Diyos.  Ang Ekklesia ang tahanan ng Diyos.  Hindi ang building, cathedral, o mga bahay sambahan na tinatayo ng tao para sa Diyos. Ang Diyos ay nananahan sa kanyang mga anak.

Conclusion:
Sa panahon natin maraming mga bagay ang nakapaghihiwalay sa atin.  Isyu ng citizenship, race, gender, ideology, relgion, at marami pang iba ang siyang nagiging tensiyon at madalas sanhi ng alitan at madugong pag-aaway ng mga tao.  Maging sa ating mga Kristiyano, maraming mga bagay ang nakapaghihiwalay sa atin. Theology, doctrine, denomination, worship style, strategy, methodolgy, at marami pang iba na tila “petty” ang siyang sanhi ng pagkakahati-hati ng katawan ni Kristo sa ating panahon.  Ang naturang section na ito na inexpound ni Pablo ay naghahayag sa atin na ang lahat ng bagay na tinayo ng tao upang papaghiwalayin ang ating kapwa sa isa’t isa ay binuwag na ni Kristo sa kanyang kamatayan.  Isa sa na -acomplish ng sacripisyo ni Kristo sa crus ay upang sirain ang lahat ng bagay na naghihiwalay sa tao at papagisahin sila sa kapayapaan.  Hindi lamang kapayapaan ng Diyos at tao ang nalunas kundi kapayapaan din sa kapwa tao ang dinulot nito.

Nakakalungkot na isipin na sa panahon natin, tayo ay nagtatayo ng mga bagong haligi na naghihiwalay sa atin sa ating kapwa Kristiyano (e.g. Worship style, ministry strategy o church practice). Kailangan na patuloy nating ipaalala sa ating mga sarili na ang mga bagay na ito ay sinira na ni Hesus. Jesus died to abolish and destroy the dividing wall of hostility among men.  Sana lang na huwag nating isawalang saysay ito sa pagtatayo ng mga sarili nating dividing walls sa ating panahon.

Posted in Uncategorized | 1 Comment

Hope in Christ: Made Alive in Christ by God’s Grace Through Faith

Hope in Christ: Made Alive in Christ by God’s Grace Through Faith
Text: Ephesians 2: 1-10

Introduction:
Sa chapter 1 ating nakita ang glorious destiny ng mga anak ng Diyos.  Ito ay bahagi ng eternal purpose (oikonomia) ni God. Ito ay naitakda na ng Diyos sa simula pa lang bago pa man likhain ang universe.

Sa ating huling pinag-aralan, nag pause ng panandalian si Pablo sa kanyang pag-expound ng mga katotohahan tungkol sa dakilang plano ng Diyos upang magbigay daan sa isang panalangin para sa mga taga Efeso.  Sa panalanging ito ay kapansin-pansin ang galak sa puso ni Pablo na mabalitaang ang mga taga Efeso ay patuloy na lumalalim sa kanilang pagkakakilala kay Kristo at sa pag-iibigan ng bawat isa.  Kaya naman ganun ka-intense ang kanyang panalangin para sa kanila na mas lalo pa silang mabigyan ng Spirit of wisdom and revelation upang lalo pa nila makilala ang Diyos, at patuloy na mabuksan ang mata ng kanilang mga puso, upang sa gayon ay malaman at maranas pa nila ng buong lalim ang pag-asa na meron sila at ang kapangyarihang kumikilos sa kanila. Ang kapangyarihang ito na bumuhay kay Kristo mula sa mga patay at ang nagluklok sa kanya sa kanang kamay ng Ama, ay ang siya ring kapangyarihan na patuloy na kumikilos sa kanilang kalagitnaan.

At para pa lalo ma-appreciate ng mga taga Efeso ang kapangyarihang ito, ginamit mismong example ni Pablo ang kanilang mga buhay at naging karanasan ng sila ay makakilala kay Kristo. Binalik-tanaw ni Pablo ang kanilang spiritual journey simula noong hindi pa sila nakakakilala kay Kristo at ang kundisyon na kanilang kinatatayuan sa harap ng Diyos.

I.  Spiritual Condition without Christ: Hopeless and Helpless (2: 1-3)

    a. Dead
        – Ang kanilang spiritual condition sa Diyos ay dinescribe ni Pablo bilang patay. Ito ay bunga ng kanilang pagsuway sa mga utos at panukala ng Diyos.  Ang ugat ng pagsuway na ito ay ang kasalanan na naging bahagi ng kalikasan ng tao na minana natin kay Adan at Eba.  Kaya’t sadyang natural ang kiling ng tao sa pagkakasala sa kanyang isip, salita at gawa.  Kaya naman sa ganitong kundisyon tayo ay patay. Ang tunay na buhay na mula sa Diyos ay wala sa atin. Bagama’t may buhay tayo na pisikal, ang ating espirito ay patay. Sa kalagayang ito hindi natin magawang mag-respond sa Diyos, hindi natin siya marinig, hindi natin siya makita, hindi rin tayo makagalaw para sumunod sa kaniya. Parang isang bangkay na hindi na maka-respond. Totally hopeless and helpless.

     b. The power at work in this condition
         – Pinakita dito ni Pablo na sa ganitong kalagayan tayo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng “prince of the power of the air” or “ruler of the kingdom of the air.” Sa makatuwid nasa control tayo ni Satanas.  Kaya napakadali na tayo ay inaanod ng mga gawa ng mundo.  Sa ating patay na kundisyon, natural ang ating pagsaway sa Diyos at sinusunod ang layaw at pagnanasa ng ating sinful nature. Ito ang kapangyarihang kumikilos sa atin. Pinaalala ni Pablo na tayong lahat ay namuhay at naranas ang ganitong kalgayan.

     c. Object of God’s wrath
         – Dahil sa kalagayan nating ganito sa harap ng Diyos, tayo ngayon ay may karampatang parusa sa Diyos.  Ang poot at galit ng Diyos ay nakatuon sa ating mga nagkasala laban sa kanya.  We are children of wrath sabi ni Pablo.

Ngunit sa kabila ng kundisyong ito, mas nanaig ang kabutihang loob ng Diyos. Mas nangibabaw ang kanyang habag at biyaya. Bagamat tayo ay karapatdapat na tumanggap ng kanyang kaparusahan, hindi ito ang kanyang pinataw sa atin, bagkus ang dakilang pag-ibig niya ang nagwagi (2: 4). Love and mercy triumphed.

II.  Spiritual Condition in Christ: Hope of Salvation (2: 4-10)

     a. Made us alive in Christ (v. 5)
         – Kahit sa kabila ng ating kalagayang patay sa kasalanan, ang kapangyarihan ng Diyos na bumuhay kay Kristo mula sa mga patay, ay siya ring kapangyarihan na nagbigay buhay sa atin sa ating kalagayang patay.  Dito ipinakita ng Diyos ang kanyang “grace.” Pinagkaloob niya sa atin ang isang bagay na hindi karapat-dapat para sa atin.  Ito ang kanyang bugtong na anak na si Jesus.  God gave his best, his all, his everything, his most precious and only son to redeem us.  Kaya nga ang kaligtasan ay hindi kailanman mula sa ating gawa.  Ito ay nagmula sa Diyos at ito ay dahil lamang sa gawa ni Jesus sa krus.  Sa biyaya ng Diyos tayo ay naligtas.

     b. Seated us with Christ in the heavenly realms (v. 6)
         – Hindi lang tayo binuhay ni Kristo mula sa patay nating kalagayan, kundi tayo din ay hinirang na kasama siya kung saan siya mismo iniluklok ng Ama. Sa naunang salaysay ni Pablo (1: 20-21), pinahayag niya na si Kristo ngayon ay niluklok na kasama ang Ama sa kanyang kanang kamay.  This is a place of supremacy far above all rule, power, authority, and dominion.  Kung ang katayuan natin ay nasa kanan din ng Ama na kasama si Kristo, tayo ngayon ay mas mataas na sa kapangyarihang dating gumapi sa atin.  Mas mataas na tayo at mas makapangyarihan na sa “prince of the power of the air.” Kaya nga’t posible na sa atin na mapagtagumpayan ang kapangyarihan ng kasalanan sa ating buhay.  So, both the power and influence of sin has been dealt with.

     c. Object of God’s grace (v. 7-9)
         – Sa dati nating kalagayan, tayo ay objects of wrath. Ngayon na tayo ay niligtas ni Kristo, tayo ngayon ay objects of God’s grace.  Tayo ang mga buhay na patotoo at patunay ng grace ni God. Pinapakita sa atin ni Pablo na sa mga susunod na panahon ang nais na itanghal ng Diyos sa kanyang katangian ay ang grace.  Nais ipabatid ng Diyos sa ating lahat ang kanyang walang katulad na yaman ng kanyang biyaya at kabutihan ng kanyang kalooban na ipinamalas niya kay Kristo. Ito ang gusto ng Diyos na makita ng tao at hindi na masyado ang kanyang poot, galit at paghuhusga.  Hindi na nais ng Diyos na ang tao ay tumugon dahil sa takot sa kanyang galit at poot, kundi, nais niya na tumugon ang tao dahil sa kanyang habag, biyaya at pag-ibig.

       – Dahil sa biyaya tayo ay naligtas.  It is all God’s intitiative and never ours.  Regalo ito ng Diyos. Tapos na ang pagliligtas sa ginawa ni Kristo sa Krus. Na-secure na ni Hesus ang kaligtasan para sa lahat.  At ito ay ipinagkakaloob sa lahat ng tao.  Ang response lang na hinihingi ng Diyos sa atin ay faith o pananampalataya.  Atin lamang tatanggapin ang kaloob na ito ng may buo at labis na pagtitiwala sa kanyang regalong kaligtasan.  Hindi kailanman, na ang kaligtasan ay matatamo sa ating mga sarili. Tandaan natin na tayo ay mga patay, at hindi tayo maka-respond at makapag-initiate.  Maging ang faith ay kaloob din sa atin
(see Acts 13: 48; John 6:37; 44; 2 Pet. 1:1; 1 Cor. 12:3).  And through faith we are saved.  Lahat ay sa Diyos nanggaling. Kaya’t wala talaga tayong pwedeng maipagmapuri sa harap ng Diyos. Lahat ay nagmula sa kanyang kagandahang loob.

     d. God’s workmanship/poemas (v. 10)
         – Lahat tayo ay a work in progress.  God is at work in our lives towards his desired image for us – to be holy and blameless in His sight.  Ito ang reason kaya niya dinescribe tayo as God’s workmanship.  Ginamit ni Pablo ang salitang griego na “poemas” upang idescribe ang paggawa ng Diyos. Ang buhay natin ay parang tula na kino-compose ng Diyos. Siya ang writer ng ating buhay.  Kaya’t kung kayo ay nakakaranas ng frustration about some struggle sa buhay mo (e.g. Bad habits, attitudes, finances, career or vocation, etc.), ang good news dito ay hindi pa tapos ang Diyos sa buhay mo. He is in the process of writing a masterpiece of a poem out of your life.

         – Isa pang dapat natin pagtuuan ng pansin, ay yung katotohahan na tayo ay nilihka upang gumawa ng mabuti.  Since tayo ay ginawang anak ng Diyos, natural lamang na ang resulta ng ating kaligtasan ay ang bunga ng mabubuting gawa. Hindi na tayo alipin ng kasalanan gaya ng dati, na ating sinusunod ang layaw ng laman at ng pansariling mga pagnanasa.  Tayo ngayon bilang bagong nilalang kay Hesus ay may tinalagang lalakarang gawa ng kabutihan.  Ito ang daan na ating lalakaran. The way of Jesus.  At ang way ni Hesus ay mabubuting gawa.

         – Hindi tayo kailanman maliligtas ng ating mabubuting gawa.  Hindi siya requirement ng kaligtasan. Ang kaligtasan ay libreng kaloob na kailangan lamang tanggapin ng buo at lubos na pananampalataya.  Ngunit, ang ating naging kaligtasan kay Kristo ay natural na magbubunga sa atin ng mabuting gawa.  So, good works does not produce salvation, but true salvation produces good works.  Good works are the fruit of our salvation.

III. Conclusion:
Mga kapatid, napakabuti ng Diyos sa ating buhay.  Napaka-dakila ng pagliligtas na kanyang ginawa.  Kanyang lubos na ibinuhos ang lahat lahat sa kanya upang matamo natin ang kaligtasan upang sa gayon tayo ay mapabilang sa dakilang plano niya na lumikha ng isang pamilya na kasalo niya magpasawalanghanggan. In spite the fact na tayo ay hopeless and helpless sa ating kalagayan, nagwagi ang pag-ibig, habag, biyaya at kagandahang loob ng Diyos upang tayo ay buhayin mula sa patay nating kalagayan at maging mga anak niya.  At tayo bilang mga anak ay tunay na “workmanship” ng Panginoon.  At ang ating mabubuting gawa na bunga ng ating kaligtasan ang demonstration ng kapangyarihan niya na buhay at kumikilos sa atin. Kaya mga kapatid, purihin, sambahin, paglingkuran at ibigin natin ang ating Diyos na buhay. Tunay siyang dakila!

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Apostolic Prayer for the Church

Apostolic Prayer for the Church
Text: Ephesians 1:15-23

Introduction:
Matapos ilahad ni Pablo ang mga yaman ng pagpapala na ating matatamo kay Cristo, kanyang panandaliang pinutol ang paglalahad ng mga dakila pang katotohanan upang magbigay daan sa isang panalangin para sa mga mananampalataya.  Kapansin-pansin ang kagustuhan ni Pablo na lubos na maunawaan ng mga mananampalataya ang mga katotohanang kanyang inilalahad. Gayundin naman na nais niya rin na purihin sila sa kanilang patuloy na paglago at paglalim kay Cristo.

I.  Praise and Thanksgiving (v. 15-16):

A. Lumalagong Pananampalataya kay Jesus 
Sa bungad ng panalangin, binati at pinuri ni Pablo ang mga kapatid sa kanilang lumalagong pananampalataya kay Cristo.  Kaligayahang marinig at mabalitaan ni Pablo ang pag-mature ng kanilang pananampalataya. At nais niya na patuloy pa ito at lalo pang lumalim.

B. Lumalagong Pag-iibigan sa Bawat Isa
Bunga ng kanilang lumalagong pananampalataya, ay ang kanilang pag-iibigan sa isa’t isa bilang magkakapatid kay Cristo.  Tunay ngang naipapamalas nila ang katotohanang sinabi ni Jesus na ang tanda ng tunay na alagad niya ay makikita sa kanilang pagmamahalan sa isa’t isa gaya ng pagmamahal na pinaranas ni Jesus sa kanila (tignan sa Juan 13: 34-35).

II. Commitment to Prayer:
Isa sa mga katangi-tanging gawain ni Pablo ay ang kanyang commitment na ipanalangin ang mga kapatiran.  Sabi niya sa talatang 16: “…I have not stopped remembering you in my prayer,” at sa talatang 17: “I keep asking the God of our Lord Jesus Christ, the Glorious Father…”. Ganun na lang ang kanyang paninikluhod sa Amang nasa langit na sila’y pagkalooban ng mga sumusunod:

A. Spirit of wisdom and revelation (v. 17)
Ang pinakalayon nito ay upang makilala pa nila ng lubos ang Diyos.  Kinakailangan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na sila’y mapagkalooban ng karunungan.  Ito’y karunungang hindi limitado lamang sa intellectual kundi karunungang nagmumula sa kanilang pagkaranas sa Diyos.  Hindi ito mga intellectual na impormasyon lamang patungkol sa Diyos kundi ang mismong karanasan nila sa realidad ng pagkilos ng Diyos sa kanilang buhay. Ang karanasang ito ng pagkilos ng Diyos sa kanilang buhay ang maghahasa ng kanilang karunungan patungkol sa Diyos.

Ikalawang dimensiyon ng pagkakakilala sa Diyos ay ang kapahayagan.  Muli, hindi ito yung tipong napag-aaralan at naoobserbahan.  Ito ay nagmumula lamang sa Banal na Espiritu na nagpapahayag ng mga katotohanan patungkol sa Diyos. (tignang halimbawa sa confession ni Pedro patungkol sa identity ni Cristo sa Mateo 16:17).  Gaya ng naunang sinabi na ni Pablo na kaligayahan at kalooban ng Diyos na ipahayag ang kanyang sarili sa atin (Eph. 1:9).

B. Eyes of our Hearts May Be Enlightened (v. 18)
Ang layun nito ay upang malaman natin ang pag-asa na dala ng ating pagkatawag bilang mga anak.  Bukod sa mga nauna nang inilahad ni Pablo patungkol sa mga pagpapalang espiritwal na pinagkaloob sa atin, nais ni Pablo na maunawaan din natin na ang pag-asa ng ating pagkatawag ay may kinalaman sa mismong mana ng Diyos.  Hindi lang tayo ang may mamanahain sa hinaharap kundi mismo ang Diyos ay may itinalagang mana para sa kanyang sarili.  Sabi sa bahagi ng talatang 18: “…in order that you may know the hope to which He has called you, the riches of His glorious inheritance in the saints.”  Ang mana ng Diyos na kanyang inaasamasam ay mismong tayo na kanyang mga anak.  Maliwanag na gusto ni Pablo na hindi natin makaligtaan ang katotohanang ito.  We are God’s priced possesion and glorious inheritance.  Wow! Hindi ba’t napaka-gandang isipin na we are greatly valued by God?

Ikalawang layun ng hangad ni Pablo na mabuksan ang mga mata ng ating puso, ay upang ating malaman at maranasan ang walang katulad na dakilang kapangyarihan na kumikilos sa atin (v. 19).  Ano itong kapangyarihang ito?  Ang parehong kapangyarihan na pinamalas ng Diyos ng buhayin niya si Cristo mula sa mga patay (v. 19-20).  Ressurection power na nagbibigay buhay. Nagbibigay ng bago at tunay na buhay.  Isang buhay na walang hangan.  Ang kapangyarihan ding ito ang siyang nagluklok kay Cristo sa kanang kamay ng Ama sa kalangitan.  Ito naman ang kapangyarihan ng paghihirang at pagtatalaga. Malinaw na nais ni Pablo na makita natin na ang kapangyarihang ito ay kumikilos na sa ating kalagitnaan sa kasalukuyan at magpapatuloy sa mga susunod pang panahon (v. 21).

Nais na maipaunawa ni Pablo na ang kapanyarihang ito din ang siyang maglalagay ng lahat ng mga bagay sa paanan ni Cristo at siya ang magiging pangulo ng lahat ng bagay (v. 22).  At sa pagkapangulong ito ay nakakabit ang Eklesiya (Church) na kanyang magiging katawan at kanyang pupuspusin ng kanyang buhay sa lahat ng bagay (v. 23)

Conclusion:
Ang panalanging ito ni Pablo ay nagpapakita sa masidhing pagnanais ng Apostol na ang bawat mananampalataya ay tunay na makilala at maranas ang Diyos. Kanyang hiling ang Espirito ng karunungan at kapahayagan na sumakanila upang makilala nila ang Diyos. At makilala nila at maranas nila ang walang katulad na dakilang kapangyarihan nito na kumikilos sa kanilang buhay. Kasama din dito ang hangad ng Apostol na makita nila na sila bilang bahagi ng Eklesiya na katawan ni Cristo, ay kasama sa dakilang plano ng Diyos na tipunin ang lahat ng bagay sa paanan ni Jesus na siya ang tatayong pangulo.  Ito ay para sa Eklesiya na kanyang minamahal at angking mana. 

Mga kapatid, meron tayong maningning na future sa Panginoon.  Ang dalangin ko para sa ating lahat sa SC ay gaya din ng dalanging ito ni Apostol Pablo.
 

  

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Mga Tinalagang Pagpapala kay Cristo

Mga Tinalagang Pagpapala kay Cristo
Text: Ephesians 1: 3-14

Introduction:
Naguumapaw ang pagpupuri ni Pablo sa Diyos sa kanyang nakitang mga pagpapala na matatamo natin kay Cristo. Ganun na lamang ang kanyang pagkamangha sa ginawa ng Diyos para ang mga pagpapalang ito ay mapa-saatin.  Tayo kaya? May sense of awe and wonder pa ba tayo sa mga pagpapalang ito? What causes us to really burst out in Praise to God? Ano ang sanhi ng ating pagpupuri? 

Madalas na natatagpuan natin ang ating mga sarili na pinupuri ang Diyos kung tayo ay nakatatamo ng mga pagpapalang ating nakikita o nahahawakan sa pisikal (e.g. Pera, ari-arian, material na bagay, relasyon, etc.).  Lahat ng ito ay siguradong kasama sa mga pagpapala ngunit ang pangunahing pinagpupunyagi ni Pablo ay yung katotohanang tayo ay nagtamo ng lahat ng pagpapalang kayang ibigay ng Diyos na  nasa kanya sa kalangitan. At ang kamangha-mangha pa dito ay ang pagtatalaga sa mga pagpapalang ito bago pa malikha ang universe at bago magsimula ang kasaysayan.  At ito ay matatamo lamang kay Cristo.  Kaya’t ganun na lang ang nagsusumigaw na pagpupuri ni Pablo.

   “Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang nagpala          sa atin kay Cristo ng bawat pagpapalang espiritwal sa sangkalangitan.” (Eph. 1:3)

I.  Ano-ano ang mga pagpapalang ito kay Cristo:

1. Pinili tayo upang maging banal at walang kapintasan  
 “Bago pa itinatag ang sanlibutan, pinili na niya tayo kay Cristo upang tayo’y maging banal at walang kapintasan sa kanyang harapan.” (Eph. 1:4)

2. Kinupkop tayo para gawing anak
     ” Dahil sa pag-ibig, itinakda niya noong una pa man ang pagkupkop sa atin bilang kanyang mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ayon sa mabuting hangarin ng kanyang kalooban. Ito’y upang papurihan siya dahil sa kanyang kahanga-hangang biyaya na walang bayad niyang ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak.”  (Eph. 1:4-6a)

A.  Bilang mga anak ng Diyos kalakip sa pagkupkop na ito ay ang pamanang natakatakda na kay Cristo:
  “Kay Cristo ay tumangap din tayo ng pamana, na itinakda na noong una pa man ayon sa layunin niya na nagsasakatuparan ng lahat ng mga bagay ayon sa hangarin ng kanyang kalooban”  (Eph. 1:11)                                                                               

B.  Bilang mga anak ng Diyos tayo din ay kanyang paaalamanan ng kanyang kalooban:
    “Sa buong karunungan at pagkaunawa, ipinaalam niya sa atin ang hiwaga ng kanyang kalooban, ayon sa mabuting layunin na kanyang itinakda kay Cristo.”
                                                                                           (Eph. 1:9)

II.  Paano ito naging posible sa atin?

1. Tinubos tayo at pinatawad sa ating mga kasalanan.
     “Sa kanya’y nakamtan natin ang katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kanyang biyaya, na masagana niyang ipinagkaloob sa atin.”                                                                   (Eph. 1:6b-9)

Kailangan natin ang kapatawarang ito dahil tayo ay nagmana ng kasalanan mula kay Adam and Eve. Ang dugo ni Cristo ang humugas sa kasalanang ito upang tayo ay maging banal at walang bahid dungis sa harap ng Diyos.  Ito ang requirement sa pagiging anak ng Diyos: Holy and blameless.  

Paano natin natamo ang kapatawarang ito?
Nakamtan natin ito ng tayo’y sumampalataya kay Cristo.  Ang pananampalataya ay ang lubusang pagtitiwala kay Cristo at sa kanyang ginawang sacrifice sa cross, at ang ating pagtaya ng buong buhay natin para sumunod sa kanya.

   “Ito ang nangyari, nang inyong marinig ang salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan, at nang kayo’y sumampalataya kay Jesus…” (Eph. 1:13a)

2. Tayo’y may garantiya at kasiguruhan sa lahat ng pangako at pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espirito:

“…at kayo rin naman ay tinatakan ng ipinangakong Banal na Espiritu.”
     “Ibinigay ito bilang katibayan ng ating mamanahin, hanggang sa lubusang matubos ng Diyos ang mga sa kanya, para sa karangalan ng kanyang kaluwalhatian.” (Eph. 1:13b-14)

Ang Banal na Espirito ang siyang garantiya at tatak na tayo ay anak ng Diyos at katibayan na tayo ay magtatamo ng lahat ng naipangakong pamana at pagpapala sa atin.

III. Ano ang pinaka-layun ng Diyos sa lahat ng ito?

1. Tipunin ang lahat ng bagay kay Cristo
   “Ang layuning (oikonomia) ito, na kanyang tutuparin pagdating ng takdang panahon, ay upang tipunin kay Cristo ang lahat ng mga bagay na nasa kalangitan at ang mga bagay na nasa ibabaw ng lupa.” (Eph. 1:10)

2. Maitanyag ang karangalan ng kaluwalhatian ng Diyos
     “Ito’y upang papurihan siya…” (Eph. 1:6a)

“…upang tayo, na unang nagkaroon ng pag-asa kay Cristo, ay maging karangalan ng kanyang kaluwalhatian.” (Eph. 1:12)

“…hanggang sa lubusang matubos ng Diyos ang mga sa kanya, para sa karangalan ng kanyang kaluwalhatian.” (Eph. 1:14)
    
God is passionate about His glory.  At napili tayo upang maghayag ng kaluwalhatiang ito. Tayo nga’y nabubuhay upang magbigay papuri sa Panginoon.

3. Maihayag ang karakter at damdamin ng Diyos sa atin:

A. Pag-ibig (Eph. 1:4c-5)

B. Mabuting hangarin ng kanyang kalooban (Eph. 1:5c; 8b-9, 11b)

C. Yaman ng biyaya (Eph. 1:6; 7c)

Conclusion:
Naihayag dito na ang layun ng Diyos ay tipunin ang lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa kay Cristo. At pangunahin sa pagtitipung ito ay ang pagbubuo ng Diyos ng kanyang pamilya.  Ito ay sa pamamagitan ng pagkupkop sa mga tao para gawing anak. Mga anak na banal at walang kapintasan sa kanyang harapan.  Ito’y nangyari sa pagtubos ni Cristo sa atin.  At ang kaligtasang ito ay matatamo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo ng ating marinig ang katotohanan ng ebanghelyo ng kaligtasan.  At dahil dito tayo ay tinatakan ng Banal na Espirito na nagpapatibay na ang lahat ng pagpapalang espiritwal sa kalangitan ay mapasaatin at maging tagapagmana ng Diyos bilang kanyang mga anak.

Mga kapatid ganito kadakila ang pag-ibig, habag at biyaya ng Diyos sa atin. Kasama tayo sa lahat ng plano niya para sa magpasawalang-hanggan.  Kaya’t tayo ay magpuri.  Ang mga kinakaharap nating paghihirap, problema at suliranin sa hinaharap ay napakaliit lamang kumpara sa plano ng Diyos sa ating mga buhay sa kasalukuyan at sa dakilang hinaharap at pagtanggap ng ating mamanahin sa Diyos.  Purihin ang Diyos!

                                                                              

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Spiritual Blessings in Christ: Made to glorify God in Christ by God’s sovereign will

Spiritual Blessings in Christ: Made to glorify God in Christ by God’s sovereign will
Text: Ephesians 1:3-14

Mga pagpapalang spiritwal kay Cristo: Tayo’y nilikha upang luwalhatiin ang Diyos kay Cristo ayon sa kanyang dakilang kalooban.

Sabi sa Westminster Confession of faith (Church of England/Anglican): “The chief end of man is to glorify God and enjoy Him forever.” Isang napakagandang salaysay para i-summarize ang “eternal purpose” ni God para sa sangkatauhan.

Ito ang mapagsawalang-hangang saklaw ng dakilang kalooban ng Diyos (God’s sovereign will) na kanya ngayong nais ipaalam sa mga taong kanyang tinataguyod upang maging kanya (Eph. 1:9).  Sa original na texto sa wikang Griego, ginamit ni Apostol Pablo para i-describe ang layunin ng Diyos, ang katagang “oikonomia” (Eph. 1:10).  Ang ibig sabihin ay isang matalinong pagpaplano at pagsasaayos ng mga bagay-bagay, lalo na sa diwa ng pamamahala sa isang bahay o ari-arian ng isang pamilya.  Dito natin nakuha ang salitang “economy” na nag ugat mula sa ganitong household term.  Managing a household.  So, sa simula pa lang, ang layunin ng Diyos ay isang pagtataguyod at pagsasaayos ng isang pamilya.

At sa dakilang layunin na iyan, si Jesus ang nasa sentro.  Ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa ay titipunin kay Cristo at ipasasakop ng Diyos ang lahat ng bagay sa kanya (Eph. 1:10; 22).  At sa layunin din na iyan, napakagandang isipin na ang ecclesia (church) ay nakaugnay palagi kay Cristo (Eph. 1:22-23) upang gumanap ng mahalagang papel sa “oikonomia” ng Diyos.

Kapansin pansin ang nag-uumapaw na pagpupuri ni Pablo sa kadakilaan ng Diyos at ng kanyang plano. Sinimulan niya ang liham ng isang outburst of praise!  
     “Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang nagpala          sa atin kay Cristo ng bawat pagpapalang espiritwal sa sangkalangitan.” (Eph. 1:3)

Punong-puno ng galak at maging ng pagkamangha ang puso ni Pablo sa mga pagpapala na lubos na ipinagkaloob o ibinuhos ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.  Na kay Cristo, lahat ng ating kailangan ay nasa kanya na. Lahat ng pagpapalang meron ang kalangitan ay ipinagkaloob na ng Diyos sa atin kay Cristo.

Ang mga pagpapalang ito ay sinaklawan ang nakaraan (past), kasalukuyan (present), at ang hinaharap (future).

I. Ang Plano ng Diyos bago pa magsimula ang kasaysayan (God’s plan in eternity past):
     “Bago pa itinatag ang sanlibutan, pinili na niya tayo kay Cristo upang tayo’y maging banal at walang kapintasan sa kanyang harapan.”
     ” Dahil sa pag-ibig, itinakda niya noong una pa man ang pagkupkop sa atin bilang kanyang mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ayon sa mabuting hangarin ng kanyang kalooban.”
     “Ito’y upang papurihan siya dahil sa kanyang kahanga-hangang biyaya…” 
                                                                                     (Eph. 1:4-6a)

II. Ang Plano ng Diyos sa panahon ng kasaysayan (God’s plan of salvation in history):
Si Jesus ang siyang nagsagawa ng plano ng Diyos sa kasaysayan.
     “…na walang bayad niyang ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak.”
     “Sa kanya’y nakamtan natin ang katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kanyang biyaya, na masagana niyang ipinagkaloob sa atin.”
     “Sa buong karunungan at pagkaunawa, ipinaalam niya sa atin ang hiwaga ng kanyang kalooban, ayon sa mabuting layunin na kanyang itinakda kay Cristo.”
                                                                                      (Eph. 1:6b-9)

III. Ang Plano ng Diyos sa Kasalukuya’t Hinaharap (God’s Present-Future Work):
  
A. Ang Pangitain ng Diyos sa hinaharap (God’s foreseen future):
     “Ang layuning (oikonomia) ito, na kanyang tutuparin pagdating ng takdang panahon, ay upang tipunin kay Cristo ang lahat ng mga bagay na nasa kalangitan at ang mga bagay na nasa ibabaw ng lupa.” (Eph. 1:10)

B. Ang pagsasakatuparan ng mga panagko ng Diyos sa kasalukuyan (God’s promises applied in the present):
     “Kay Cristo ay tumangap din tayo ng pamana, na itinakda na noong una pa man ayon sa layunin niya na nagsasakatuparan ng lahat ng mga bagay ayon sa hangarin ng kanyang kalooban; upang tayo, na unang nagkaroon ng pag-asa kay Cristo, ay maging karangalan ng kanyang kaluwalhatian.”
     “Ito ang nangyari, nang inyong marinig ang salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan, at nang kayo’y sumampalataya kay Jesus, at kayo rin naman ay tinatakan ng ipinangakong Banal na Espiritu.”
     “Ibinigay ito bilang katibayan ng ating mamanahin, hanggang sa lubusang matubos ng Diyos ang mga sa kanya, para sa karangalan ng kanyang kaluwalhatian.”
                                                                                (Eph. 1:10-14)

Mapapansin natin sa mga talata na nagsimula ito sa plano ng Diyos bago pa magsimula ang kasaysayan, at ito’y nagpatuloy sa naging gawa ni Cristo sa kasaysayan at magpapatuloy sa pagkilos ng Banal na Espiritu.  Ang Ama ang nagplano, ang Anak ang namagitan, ang Banal na Espirito ang naglalapat ng mga pangakong ito at nagsasa-kapangyarihan ng mga ito sa buhay ng ecclesia.

Ito ang mga pagpapala na matatamo at magiging realidad ng mga taong magiging bahagi ng “oikos” (household) ng Diyos.  Ito ang tinalaga ng Diyos na glorious destiny natin bilang mga anak Niya.

At lahat ng ito ay sa layun na maluwalhati at maitaas at maparangalan ang kadakilaan ng Diyos.

Kaya’t tama ang sabihin na ang chief end of man is to glorify God and to enjoy the fellowship of the community of Father, Son, and Holy Spirit together with all the saints.

  

 

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Ephesians

Ephesians

Marahil ay naitatanong ninyo kung bakit natin pinag-uusapan sa ating Simple Church ang liham ni Apostol Pablo sa mga taga Efeso. Ano ba ang mahahalagang bagay ang sinasabi ng liham na ito sa ating panahon?

Tayo po ay nasa mga panahon na muling inuungkat kung ano ang ibig sabihin ng “Church”. Ano nga ba ang church? Paano nga ba natin i-define ang church? Ano ba ang mga pamantayan para masabi natin na ito ay isang church?

Sa ating panahon tila may confusion sa definition ng Church. Sa aking pagsasaliksik sa kasaysayan ng modernong panahon (simula 18th century) kapansin pansin na ang mga mahuhusay at tanyag na mga theologian at pinagpipitagang mga biblikal skolar ay hindi masyado pinagtuuan ng malalim na pansin ang isyu ng ecclesiology (study of church).  Karamihan sa kanila ay nag focus sa mga doctrina ng kaligtasan, ang kalikasan ni Cristo, etc.  Ngunit naiwan sa usapin ang isyu ng ecclesia o church.  Mayroon din namang mga theolgian na sumusulpot upang magbigay ng kanilang treatise sa ecclesiology ngunit mangilan-ngilan lamang ang mga boses na ito.

Sa aking palagay ay malakas ang impluwensiya ng tradisyon sa ating mga simbahan, kung kaya’t napaka-convinient i-assume na kung ano ang porma o mukha ng mga churches na ating kinagisnan ay tinatanggap na natin na iyun na ang itinatag ni Cristo.

Malinaw sa ebanghelyo ni Mateo (na natatanging gumamit ng salitang church kumpara kay Mark, Luke and John), na ang ecclesia o church ay itinatag ni Cristo sa pundasyon ng kanyang pagkatao (identity). Maalala natin sa Matthew 16:13-20 na tinanong ni Cristo ang mga alagad kung paano nila siya nakikilala.  Matapos magbigay opinyon ang iba, sumagot si Pedro (v.16) at sinabi: “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” At sinabi ni Jesus kay Pedro na siya ay mapalad at pinagpala dahil ito ay pinahayag sa kanya ng Diyos Ama at hindi dahil sa sarili niyang kaalaman.  At sa pahayag na iyan sabi ni Jesus, kanyang itatayo ang ecclesia (v.18).  Ang pahayg na iyan ang siyang Bato na pundasyon ng ecclesia (Rock of our Foundation) na siyang lulusob sa pintuan ng Hades (hell). Hindi magtatagumpay ang kaharian ng kadiliman laban sa ecclesia.

Kaya nga’t kung ang ecclesia ang ating pag-uusapan, napakahalaga na makita natin ito sa identity ni Cristo.  Kung atin itong gustong maunawaan, ang pundasyon ang ating kailanangang balikan. Ang church sa ating panahon ay natabunan na ng napakaraming palamuti at bagahe ng tradsiyon mula sa paglipas ng mga salinlahi.  Kaya tuloy ang ating nagiging defintion sa church ay sa kung ano ang ating nakikita sa panlabas nitong kaanyuhan.  Ang kailangan nating gawin ay hukayin ang pundasyon kung saan nakatayo ang ecclesia. At dito manunumbalik tayo sa mismong katauhan ni Jesus. Imagine for a moment, tanggalin mo ang mga programa, stratehiya, mga church building at facility at ang maiwan lang ay si Jesus, ano kaya ang magiging itsura ng ecclesia?  Di ba’t napaka simple lang.  Tayo lamang ay aanyayahan ni Jesus na sumunod sa kanya at magiging kasama niya sa gawain para sa kaharian.

At dito pumapasok ang liham ni Pablo sa mga taga Efeso. Actually ang liham na ito ay para sa lahat ng churches. Ito ay isang general letter intended para umikot sa mga ecclesia sa maraming lugar sa Efeso at maaring sa iba pang dako.  At kung meron mang aklat sa ating Bibliya na nag- expound ng malalim tungkol sa ecclesia ito ang Efeso.  Dito pinahayag ni Apostol Pablo ang dakilang plano ng Diyos.  Pinakita niya dito ang dakilang pagliligtas na ginawa ng Diyos na sa kabila ng kasalanan at ng epekto nito ay niligtas niya sa pamamagitan ni Cristo ang mga tao.  Kamangha-mangha dito na ang paglilgtas na iyan ay naka plano na bago pa man likhain ang sanlibutan.  At sa nakatalagang plano na ito, si Jesus ang hinihirang bilang pinaka dakila sa lahat at sa kanyang paanan lahat pagiisahin at paguugnayin ang lahat ng bagay.  At ang luwalhati na yan ay kasama ang ecclesia bilang tagapagningning.  Pinagukulan ni Pablo ng malaking espasyo ang pagpapahayg patungkol sa ecclesia at ng napakahalagang papel na kanyang gagampanan sa pagliligtas at dakilang plano ng Diyos hindi lamang para sa sangkatauhan kundi sa buong sanilikha.

Ang eeclesia ayon kay Pablo ay hiwaga ni Cristo na pinahahayag na sa kasalukyang panahon upang ipangalandakan ang iba’t ibang anyo ng karunungam ng Diyos at ipamalas sa buong nilikha ang isang bagong tao (new creation/new humanity).  At dito din sa liham na ito sa Efeso na nagbigay si Pablo ng mga sagradong panuntunan at mga praktikal na gawain upang tunay na maipamalas ng ecclesia ang kanyang pagkatawag kay Cristo. Kapansin pansin sa liham na ito na ang tema ng ecclesia ay sambahayan ng Diyos (household). Ang mga ginamit ni pablong description ay mga wika ng pagiging isang pamilya.  Ito ang napakaganda sa liham na ito. Ang ecclesia ay isang pamilya. Katahanan natin ang Diyos. Sa napaka simpleng description na ito, masasabi nating isang tunay na pamilya ang nais itaguyod ng Diyos at hindi isang pormal na institution o religion.  Ang ecclesia ay hindi defined bilang organisasyon, struktura, doctrina, lugar sambahan, mga activities at programa, o mga porma ng pagsamba, kundi sa kung paano ang bawat isa ay nag-iibigan bilang magkakapamilya.

Kaya nga mga kapatid kong minamahal, kung nais natin na mamuhay ayon sa disenyo ng Diyos sa ecclesia, ating kapupulutan ng mga ginintuang aral ang liham ni Pablo sa mga taga Efeso.  Masasabi natin na ang liham na ito ay hindi lamang para sa mga Kristiano sa Efeso noong panahon nila, kundi isa siyang universal na liham para sa mga Kristiano sa lahat ng panahon.  So i encourage you mga kapatid na let us be the church God wants us to be.

Aking ipopost sa mga susunod na documents ang mga napagaralan na natin sa mga nagdaang SC patungkol sa Ephesians.  God bless you all.

Posted in Uncategorized | 1 Comment

Apostle in the New Testament

The NT reveals five distinct classifications of apostles:

1.Jesus, the Apostle, Heb. 3:1 (sent by God, (John 6:57; 7:29; 8:42).
This apostolic role is an exclusive and eternal apostolic office and ministry held solely by Jesus Christ as the Head of the Church. He was sent by the Father to save the world through Him (John 3:17).

2. The Twelve Apostles (of Jesus Christ, personally sent)
“And He (Jesus) appointed twelve – designating them apostles – that they might be with Him and that He might send (apostello) them out to preach.” There are at least four factors that describe the apostolic role of the Twelve: they 1) have a special calling (Mark 1:16-20; 3:13-19; 6:30); 2) are eyewitnesses to Jesus’ ministry from His baptism to His resurrection (Acts 1:21-22); 3) experienced resurrection appearances (Luke 24); and 4) evidence their call and commissioning by performing signs and wonders (Acts 2:43).

They have a foundational role in His kingdom (Eph 2:20) which can never be replicated. There was no attempt to continue the Twelve beyond filling the vacancy created by the death of Judas.
When James was martyred there was no effort to have him replaced. In addition, there could only be twelve composing that group because this number paralleled the twelve sons of Jacob/the twelve tribes of Israel (Matthew 19:28; Revelation 21:12-14).

3. Paul, the Apostle (of Jesus Christ)
There is no doubt that Paul was an apostle. He defends his apostleship in a variety of ways:
l) he had a special calling (Romans 1:1; 1 Corinthians 1:1),
2) although he was not taught by Christ during the period from John the Baptist to the ascension, he claims that he received directly from Jesus, by revelation, the same truth as the Twelve (Gal 1:12; 2:6),
3) he had a divine commissioning, apostle to the Gentiles (Acts 9:15; Galatians 2:7-8),
4) he experienced a resurrection appearance (Acts 9:3-9; 1 Corinthians 9:1; 15:1-11),
5) evidenced his call and commissioning by performing signs and wonders (2 Corinthians 12:12).

4. Other Apostles (of the Church)
In Acts and the Epistles there are a small but significant number of references to apostles, who are not numbered among the Twelve and Paul. For example, when Luke reports about the first missionary journey of Barnabas and Paul (Acts 13:1-14:28), he twice identifies them as apostles (Acts 14:4, 14). This identification is appropriate for they are sent by the church of Antioch (Acts 13:3) and, indeed, sent out by the Holy Spirit (Acts 13:4). The context of this first missionary journey makes it clear how Luke uses the term apostle when not referring to the Twelve. Also, there are other Christian messengers (apostles) who were sent to minister like Silas and Timothy (1 Thes 1:1; 2:6), and Epaphroditus, who was sent by the Philippians to minister to Paul when he was imprisoned in Rome (Philippians 2:25). These verses underscore the wide definition in the usage of apostle.

There are New Testament apostolic ministries that apply to the church today (i.e. the “apostles of the church”, the “other” apostles). Although these individuals did not have the same role as the Twelve or Paul, they were involved in the advancement of the church and were among its outstanding leaders. Their role relates to function and not to office. The function is that of messenger, delegate and/or missionary with numerous individuals fulfilling this role both in New Testament times and down through the ages.

5. Every Disciple of Jesus Christ
Not only were the Twelve commissioned (Luke 9:1), but the Seventy-two were also sent to advance the kingdom of God (Luke 10:3, 8). Just as the New Testament affirms the priesthood of all believers (1 Peter 2:9), it also affirms the apostolic function of all believers in that every believer is sent with the gospel to the whole world. A new believer becomes a part of the apostolic mission of Christ upon rebirth and is sent just as He was sent. Every believer is commissioned to “go into all the world” (Matt 28:19) and offered the provision of Spirit empowerment to be a witness to the ends of the earth (Acts 1:8).

Conclusion:

Now to answer the question, “Are there apostle/s today?”

If he means that he is simply a missionary (sent by the church) of the Cross, penetrating the dark places, and establishing the work of God, then technically speaking it might be permissible for people to refer to him as an apostle (messenger). But no person today could be an apostle like Jesus Christ, nor the 12 apostles nor Paul, but thousands today could be and are in the class with Barnabas, Silas, Timothy, Epaphroditus…

Posted in New Testament Studies | Leave a comment

Brief History on the Development of Official Clergy

The idea and institution of a special priesthood, distinct from the body of the people, with the accompanying notion of sacrifice and altar, passed imperceptibly from Jewish and heathen reminiscences and analogies into the Christian church. The majority of Jewish converts adhered tenaciously to the Mosaic institutions and rites, and a considerable part never fully attained to the height of spiritual freedom proclaimed by Paul, or soon fell away from it. He opposed legalistic and ceremonial tendencies in Galatia and Corinth; and although sacerdotalism does not appear among the errors of his Judaizing opponents, the Levitical priesthood, with its three ranks of high priest, priest, and Levite, naturally furnished an analogy for the threefold ministry of bishop, priest, and deacon, and came to be regarded as typical of it. Still less could the Gentile Christians, as a body, at once emancipate themselves from their traditional notions of priesthood, altar, and sacrifice, on which their former religion was based.

 

Whether we regard the change as an apostasy from a higher position attained, or as a reaction of old ideas never fully abandoned, the change is undeniable, and can be traced to the second century. The church could not long occupy the ideal height of the apostolic age, and as the pentecostal illumination passed away with the death of the apostles, the old reminiscences began to reassert themselves1.

 

In the apostolic church preaching and teaching were not confined to a particular class, but every convert could proclaim the gospel to unbelievers, and every Christian who had the gift could pray and teach and exhort in the congregation2. The New Testament knows no spiritual aristocracy or nobility, but calls all believers “saints”, though many fell far short of their vocation. Nor does it recognize a special priesthood in distinction from the people, as mediating between God and the laity. It knows only one high priest, Jesus Christ, and clearly teaches the universal priesthood, as well as universal kingship, of believers3. It does this in a far deeper and larger sense than the Old (see Exodus 19:6); in a sense, too, which even to this day is not yet fully realized. The entire body of Christians are called “clergy” (klhrwn), a peculiar people, the heritage of God4.

 

After the gradual abatement of the extraordinary spiritual elevation of the apostolic age, … the distinction of a regular class of teachers from the laity became more fixed and prominent. This appears first in Ignatius, who, in his high episcopalian spirit, considers the clergy the necessary medium of access for the people to God. “Whoever is within the sanctuary (or altar), is pure; but he who is outside of the sanctuary is not pure; that is, he who does anything without bishop and presbytery and deacon, is not pure in conscience”. …

 

During the third century it became customary to apply the term “priest” directly and exclusively to the Christian ministers, especially the bishops. In the same manner the whole ministry, and it alone, was called “clergy”, with a double reference to its presidency and its peculiar relation to God. It was distinguished by this name from the Christian people or “laity”.

 

Thus the term “clergy”, which first signified the lot by which office was assigned (Acts 1:17, 25), then the office itself, then the persons holding that office, was transferred from the Christians generally to the ministers exclusively. …

 

With the exaltation of the clergy appeared the tendency to separate them from secular business, and even from social relations – from marriage, for example – and to represent them, even outwardly, as a caste independent of the people, and devoted exclusively to the service of the sanctuary. They drew their support from the church treasury, which was supplied by voluntary contributions and weekly collections on the Lord’s Day. After the third century they were forbidden to engage in any secular business, or even to accept any trusteeship. Celibacy was not yet in this period enforced, but left optional.

 

From History of the Christian Church, chapter 42.

 

1 Joseph Renan, looking at the gradual development of the hierarchy out of the primitive democracy, from his secular point of view, calls it “the most profound transformation” in history, and a triple abdication: first the club (the congregation) committing its power to the bureau or the committee (the college of presbyters), then the bureau to its president (the bishop) who could say: “Je suis le club” [I am the club], and finally the presidents to the pope as the universal and infallible bishop; the last process being completed in the Vatican Council of 1870. See his L’Eglise chretienne, 1879, p. 88, and his English Conferences (Hibbert Lectures, 1880), p. 90.

 

2 Compare Acts 8:4; 9:27; 13:15; 18:26,28; Romans 12:6; 1 Corinthians 12:10,28; 14:1-6,31. Even in the Jewish Synagogue the liberty of teaching was enjoyed, and the elder could ask any member of repute, even a stranger, to deliver a discourse on the Scripture lesson (Luke 4:17; Acts 17:2).

 

3 1 Peter 2:5,9; Revelation 1:6; 5:10; 20:6).

 

4 1 Peter 5:3. Here Peter warns his fellow-presbyters not to lord it over the klhrwn, that is, the lot or inheritance of the Lord, the charge allotted to them. Compare Deuteronomy 4:20 and 9:29.

 

Posted in Church History | Leave a comment